Project: BAHAI (Bridging Access to Affordable Housing Assistance and Innovations)

Project: BAHAIProject: BAHAI (Bridging Access to Affordable Housing Assistance and Innovations)

Ito ay maaring ipadala sa:

Email: info@tao-pilipinas.org

o di kaya sa aming

Address: 27-A Matiyaga Street, Barangay Central, Diliman, Quezon City

Maaari ring ipadala sa aming fax no.: 441-0998

 Huling araw ng pag sumite ng aplikasyon: 30 Setyembre 2015

Call for Interest

Kalakhang Maynila, ang National Capital Region ay tahanan para sa 12,949,395 katao (mula sa 11,855,975 katao na datos ng NSO noong ika-1 ng Mayo taong 2010) at ang may pinaka malaking populasyon na rehiyon  sa bansang Pilipinas,; at ang ika-pitong punong lungsod sa buong Asya na may malaking populasyon. (https://en.wikipedia.org/wiki/Metro_Manila). Kasama ng mabilis na pag-angat ng bilang ng mamamayang nakatira sa mga pook na rural na lumilipat sa lungsod at hindi mapigilang pagtaas ng bilang ng populasyon ay ang pag-angat rin ng bilang ng nawawalan ng tahanan, mga nakatira sa lansangan, at iyong mga  impormal na naninirahan sa mga pribadong lupain. Bukod dito, ang kalakhang Maynila ay tinuturing na tahanan rin para sa 550,000 na Informal Settler Families (ISFs) kung saan 104,000 katao ay naninirahan sa mapapanganib na lugar.

 Mula sa mga nabanggit na detalye, malinaw na makikita ang matinding pangangailangan ng ating bansa sa larangan ng matino at sustenableng pabahay na tumutukoy sa tama at matalinong pag iisa ng pang-sosyal, pang-ekonomiko, at pang-kapaligirang konsiderasyon upang makamit ang isang natatanging solusyon. Ang daan upang mapagtagumapayan ang suliraning ito ay dati nang isinusulong subalit ito’y nangangailangan ng teknikal na kaalaman at kasanayan. Mayroon itong apat na elemento: ang organisasyon o ang pangkat ng tao na nangangailangan ng bahay; ang lupain kung saan sila maaring magtayo ng kanilang sariling komunidad; ang plano ng mga bahay para sa komunidad; at ang pera upang makapagpatayo ng bahay. Ang apat na elementong ito ay nangangailangan ng tiyaga, tamang kaalaman, oras, at puhunan.

 Ano ang Project BAHAI o Bridging Access to Affordable Housing Assistance and Innovations?

Ito ay isang proyekto upang matulungan ang mga komunidad na nangangailangan ng gabay sa proyektong naglalayon sa pagkamit ng lupa at pagtatayo ng ligtas at maayos na paninirahan.

 Layunin ng proyekto:

Sa katapusan ng proyekto, ang mga napiling komunidad ay mapayapang nakatira na sa mga nararapat, sustenable, at sariling tahanan. Higit pa rito, ang mga napiling komunidad ay magkakamit ng:

  1. Napagtibay na kakayahan sa pakikilahok sa mga proseso ng negosasyon ukol sa pagkakaroon ng security of tenure at pagtatayo ng mapayapa at sustenableng pabahay
  2. Napadaling pagtanggap ng tulong pangteknikal na may malasakit para sa mahihirap na komunidad
  3. Napabuting pangkabuhayan o kita at sapat na suporta para sa pang araw-araw na pangangailangan

 Sino ang maaring mag-aplay ng tulong sa BAHAI Project?

Ang inyong samahan ay nararapat na nagtataglay ng mga sumusunod na katangian:

  1. Organisadong samahan (mga komunidad na kasalukuyang sinusuportahan ng ibang NGO ay maaaring ring magsumite ng kanilang aplikasyon)
  2. Mga rehistrado o kasalukuyang nagpaparehistrong samahan bilang isang HOA sa HLURB o COOP sa CDA
  3. Samahan na naninirahan sa kalakhang Maynila
  4. Mayroong responsable at aktibong miyembro sa kanilang samahan

 Ang mga interesadong komunidad ay kailangan na magpasa ng Expression of Interest (EOI) kasama ng sumusunod na mga papeles:

  1. Call for Interest Form na may kumpletong sagot
  2. Kopya ng HOA registration mula sa HLURB o COOP registration mula sa CDA (o katapat na mga dokumentong nagpapatunay na naglalayong magparehistro ang PO)
  3. Listahan ng mga opisyales at miyembro ng samahan
  4. Struktura ng inyong organisasyon

 

MGA TAKDANG PETSA:

August 26 – Sept 30, 2015                – Submission of Application and Expression of Interest

October 09, 2015                               – Release of Short List of Qualified Applicants (Top 15)

October 12-15, 2015                         – Validation interviews

October 16, 2015                               – Release of Top 10 Qualified Community Partners

October 19-30, 2015                        – Community Action Planning of 10 Qualified                                                                                        Community Partners

October 26-30, 2015                      -Signing of MOU/MOA and General Assemblies of 10                                                                            Qualified Community Partners

Nov 2, 2015 – June 31, 2016          – Project Implementation (Pilot Phase)

 

DOWNLOADABLE FORMS:

Liham ng Paghayag ng Interes

Project BAHAI Concept Paper

Call for Interest Form_Tagalog

Reactions? Suggestions? We’d love to hear from you! Leave us a comment.

This entry was posted in Human Settlement and Environment, News, Press Release and tagged , , , , . Bookmark the permalink.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.