Project: BAHAI (Bridging Access to Affordable Housing Assistance and Innovations)
Ito ay maaring ipadala sa:
Email: info@tao-pilipinas.org
o di kaya sa aming
Address: 27-A Matiyaga Street, Barangay Central, Diliman, Quezon City
Maaari ring ipadala sa aming fax no.: 441-0998
Huling araw ng pag sumite ng aplikasyon: 30 Setyembre 2015
Call for Interest
Kalakhang Maynila, ang National Capital Region ay tahanan para sa 12,949,395 katao (mula sa 11,855,975 katao na datos ng NSO noong ika-1 ng Mayo taong 2010) at ang may pinaka malaking populasyon na rehiyon sa bansang Pilipinas,; at ang ika-pitong punong lungsod sa buong Asya na may malaking populasyon. (https://en.wikipedia.org/wiki/Metro_Manila). Kasama ng mabilis na pag-angat ng bilang ng mamamayang nakatira sa mga pook na rural na lumilipat sa lungsod at hindi mapigilang pagtaas ng bilang ng populasyon ay ang pag-angat rin ng bilang ng nawawalan ng tahanan, mga nakatira sa lansangan, at iyong mga impormal na naninirahan sa mga pribadong lupain. Bukod dito, ang kalakhang Maynila ay tinuturing na tahanan rin para sa 550,000 na Informal Settler Families (ISFs) kung saan 104,000 katao ay naninirahan sa mapapanganib na lugar.
Mula sa mga nabanggit na detalye, malinaw na makikita ang matinding pangangailangan ng ating bansa sa larangan ng matino at sustenableng pabahay na tumutukoy sa tama at matalinong pag iisa ng pang-sosyal, pang-ekonomiko, at pang-kapaligirang konsiderasyon upang makamit ang isang natatanging solusyon. Ang daan upang mapagtagumapayan ang suliraning ito ay dati nang isinusulong subalit ito’y nangangailangan ng teknikal na kaalaman at kasanayan. Mayroon itong apat na elemento: ang organisasyon o ang pangkat ng tao na nangangailangan ng bahay; ang lupain kung saan sila maaring magtayo ng kanilang sariling komunidad; ang plano ng mga bahay para sa komunidad; at ang pera upang makapagpatayo ng bahay. Ang apat na elementong ito ay nangangailangan ng tiyaga, tamang kaalaman, oras, at puhunan.
Continue reading →
Like this:
Like Loading...